**First week eh pahinga muna kami. March was quite a lot for us. Every weekend naman kasi halos nasa galaan kami. But that's just for me and my friends' part, coz honestly I didn't have enough rest that week. Aside from the fact na may rotating brown-out ng week ng 'to sa area namen, (Sobrang init!) kulang na lang eh pumasok ako sa loob ng fridge at dun na lang matulog,.. Haist! eh may bisita kami the whole week and I happened to be their Babysitter/Tour Guide at the same time. At dahil nga may mga summer classes eh naisipan nilang mag-out of town (out of Subic and Manila), but before that eh dito muna sa apartment tumambay ng ilang araw. Kaya ayun super sleep deprived ako pero ok lang minsan lang naman din kasi 'to. A week of sleep deprivation (again), fun games, love stories (dati merienda lang nila problema ko ngayon pati na love-life), old churches (we hit four churches in one day -- San Sebastian --my personal favorite,Quiapo Chruch, Manila Cathedral and San Agustin), pigging out and being young at heart. In short, magulo pero masaya.
***Second week, I headed to my now hometown, Subic!!! I still can't believe that it would be this hot so I decided to travel after sunset and savored the view along NLEX, though it wasn't as breathtaking as before dahil siguro sa El Niño eh unti-unti ng nawawalan ng buhay ang mga puno. Haist!
Pagdating ng bahay eh ayun kwentuhang wala ng bukas with my cool mudras!!! LOL :)) Buti na lang nagbago na si Mama, dati kasi uber strict yun!Hehehe,.. :P Pero di niya pa rin ako kinaya, ayun at nauna din matulog, ako naman dahil sa sanay na sa GY eh nag-movie marathon ng mga pelikula ni JLC (John Lloyd Cruz) habang pinapapak ang isang jar ng Ube Jam from Good Sheperd! Yum,..yum,..
Hit a local beach the following day with my father's side of the family, pero di ko din naman na-enjoy dahil sa dami ng tao, yung luto lang ng tita ko ang habol ko dun. I don't like crowded beaches, mas preferred ko talaga ang beaches located in the Northern part of the province. And darn, the heat was unbelievable.
***Third Week, Global warming has finally taken its toll but that did not stop me from going out and have fun under the scorching heat! Anawangin here we come (here I come again)!!! Backpacking and Camping with Teng, Leo and Beth (ang mga kaladkarin kong mga kaibigan). At last napuntahan ko na din ang lighthouse sa Capones Island. Narating ko naman ang tuktok pero nung andun na eh sinumpong naman ako ng Altophobia. Darn! Ang ganda pa naman ng view kaso sobrang putla ko na kasi, kaya ayun panay sa gilid lang ako most of the time. Thanks to my mababait na friends, na very supportive naman kaya I still got a chance na mag-photo-op sa may railings,hehehe... :P
Before leaving the tower, pagkatapos ng pahirapan namang pagbaba sa mga hagdan dahil nanginginig pa ang mga tuhod ko sa takot at salamat muli sa inyong suporta,hehehe :P siyempre hindi mawawala ang photo-op (though mostly si Betsy yun -- ang official camwhore ng grupo!!!) at ang "moments" ko. "Moments" -- code namen yan sa lahat ng mishaps ko na in the end eh nagiging subject ng laughtripping namin! Ang saya nila! Lagi na lang ako ang "clown". Sanayan na lang ika nga! :P Love you guys!!!
At bago matapos ang kalokohang 'to eh, eto nga pala ang isa sa mga favorite picture ko sa trip namin. Thanks to Leo, dapat magpapacute talaga ako dito at dahil may kahihiyan ako kunwari, eh umiwas sa cam, and then bam! I soooo uberly love the result!
"hindi masamang mahalin ang sarili" LOL :))
After Capones Island, we headed to Anawangin Cove (where all the adventure, mishaps and loads of laughter happened) at dahil nga sa hapon na kami nakarating eh, nag set up lang ng camp at kumain ng hapunan. At siyempre hindi pede mawala ang booze right after together with S'mores! Sabi nina Beth and Leo, looking forward daw sila na makita kami ni Teng na malasing sa beach, in the end, sila ang nalasing at naging best of friends pa sina Leo at Keropi! LOL :)) Sayang we failed to capture the moment. Tsk,tsk,tsk. :P
S'mores night! (Betsy, Teng, me and Leo)
Dahil tinamaan na ang dalawa at galing kami lahat sa shift eh 12mn palang eh nagkayayaan ng matulog. Medyo bitin din kasi yung booze. Next time alam na. Dapat 2 bottles up! harharhar,.. Tignan natin kung sinung unang gagapang. Malay natin si Keropi ulit!Hahaha :))
The following day was the real adventure for all of us i guess. Binaybay namen ang swamp para sana hanapin ang pinagmulan neto pero we were unsuccessful. Kaya as usual photo-op pa din ng walang humpay. Abusuhin daw ba ni Beth ang DSLR ni Teng! At ng makaramdam ng gutom eh, nagbreakfast ng peanut butter sandwich na binaon ni Betsy for us. Thanks Betsy for taking care of us. Pede na kayo ni Caramel Macchiato -- hindi siya magugutom pag ikaw ang kasama!Hahaha :P Peace!
At dahil sa kagustuhang makita ang view from the top eh inakyat namin ang munting bundok sa may gawi roon, halfway bumigay na sina Leo at Beth so kami na lang ni Teng ang nagpatuloy, and it was so worth it! Kahit sobrang sunog na sunog na yung balikat ko, eh sa sobrang ganda naman ng view tanggal lahat ng pagod! Buti na lang pala hindi kami sumuko sa pag-akyat at sa pagkaligaw pababa ng munting bundok na yun habang pinapanood kami nina Beth at Leo sa campsite. Akala kasi namin ni Teng eh hindi kami kita dahil natatakpan kami nung mga Chinese bamboo. Traydor na mga halaman yun! Malay nba naming kitang-kita pala kami! Darn!!! Kaya ayun, sabi nga ni Beth para daw silang nanood ng free movie habang pababa kami ni Teng sa bundok! Hahaha :)) Ang importante nakababa kami. Darn! Off the beaten track mode?! It was an experience I definitely will never forget.
(according to order: me overlooking our campsite, the other side of the Cove, Teng-- minsan lang humingi ng photo-op yan--, the pristine beach plus the swamp)
And of course ang last but not the least na ginawa namin bago kami sunduin ng aming magigiting na bangkeros ay ang mag-swimming sa hanggang bewang na tubig dagat. Yun lang, medyo ang malas namin dun kasi di ko talaga na-enjoy ang tubig ng husto. Kasi kung kelan naman tirik ang araw eh saka low tide. Haist!
Pero sobrang saya, kasi kahit papanu eh natakasan namin ang magulong mundo ng Maynila. Halos ayaw pa nga namen umuwi pero ganun talaga. Everything has its own end. Di bale we still have trips lined up!
I'm glad that I've been blessed with not just crazy friends but friends na kaya kong kaldakarin kahit saan. Thanks guys!!! 'Til our next adventure!!!
***Fourth week. Don't mind it kasi most of the time eh "emo mode" naman ako,.. Ewan ba, may nami-miss kasi akong isang tao. Hay ang hirap pala. Yun lang.
***Addendum:
Isang movie lang ang napanood ko this month: Clash of the Titans with Beth and Leo.
Haist! "Perseus" hanggang kelan ba? LOL :))
And I failed to finish a single book as usual. Haist! Need ko tuloy mag double time para mahabol ang quota for the year na 12 books, suppose to be kasi at least one book per month. Hay puro na alikabok ang mga libro kasi di ko naman nagagalaw. Ciao for now. Umberto Eco here I come. :P