Wednesday, March 31, 2010

Record-breaking March!

"March, March, March"...

Wow! A lot of things happened but one thing's for sure, my emotions were running high -- maybe a bit too high at some point -- but that's me and that's what I truly feel at that exact moment.

Oh yes, believe me or not, my month of March is a record breaker. Why? Read on...

-- Week One --

Woot-hoot!!! Ang cute talaga ni John Lloyd Cruz never mind Bea, oh yes I know, for some I'm sure sasabihin na naman nun saken "Megs, ang cheesy mo!" pero ok lang, I simply like JLC. That's the start of my week and my month. March 1 pa lang si JLC na kagad ang inatupag ko! Nice! And grateful for Jean na siyang tanging movie date ko kapag mga cheesy and Lloydie movies na ang nasa takilya.

I guess I have to apologize for Lloydie because I totally forgot about him when I got hold of my jars of chocolate crinkles from Good Shepherd! Hahaha! Kaya guys beware kasi kahit ganu pala kayo ka-cute eh kapag fave food namin ang nakahain eh, sorry na lang kayo! LOL :))

Work for this week eh ok lang naman. No unusual calls and no super demanding customers though I still feel very sleep deprived dahil feeling ko hindi pa din ako nakakabawi ng tulog sa mga nagdaang puyatan, buti na lang anjan ang
French Vanilla Cappuccino which comes in very handy and cheap! Kung sino man ang naka-isip na i-market yan for 7Eleven, KUDOS to you!!! Can't thank you enough!


Come weekend, and makukulit na "Micolets" ay nagtungo sa Muntinlupa for a Team Building (Team Ben-- Micolets, Ruthrunners, Dianebeatables--). Sad to say sa batch ko eh ako lang ang nakapunta buti na lang andun sina Leo and Beth to cheer me up. Ok naman ang team nagkataon lang siguro na hindi ko lang talaga masakyan ang ibang trip nila sa buhay o masyado lang ba talaga silang liberated kaya ganun at ako naman eh talagang idealistic pa din kahit na simpleng bagay lang ng buhay ang pinag-uusapan? Ewan. Kibit balikat na lang. Nakuntento na lang ako sa pagtulong kay Leo na mag-ihaw ng liempo, pakingggan ang mga nagvi-videoke na Accountmates namin (siyempre kasama na ang Boss ko dun na may tinatago palang talent), panoorin silang mag-swimming at magtext ng maghapon.

Dalawang bagay lang naman ang hindi ko makakalimutan sa event na 'to:

1. my first photo-up with my cute na cute na Boss (dahil everytime na may event eh, hindi naman talaga ako nakikigulo sa pagpapa-picture sa kanya, at nasanay na ata siya na ganun kaya nung sinabi namen nina Leo na "pictures" akala niya siya ang kukuha samen kasi may bitbit nga naman siyang camera, --I saw it! He was surprised, and i got shy.-- pero siyempre continue pa din sa pictorial!hahaha )

2. nilalaglag ako ni Gelo sa pool (walanghiya yang mentor ko na yan, hindi talaga siya nakatiis at anu naman ang laban ko, kayang-kaya niya naman kasi din akong buhatin kaya ayun, napaligo ng wala sa oras ng hindi naka-swimsuit! Darn! Ang problema pa nun dahil nga sa wala naman akong balak na mag-swimming eh I only brought a single pair of clothes na pampalit, haaaayyy pero nakaganti naman ako though useless din naman kasi he's on his board shorts na and basa na din siya pero at least natulak ko pa din siya sa pool just so he knows na ang sakit pala pag bigla kang hinagis sa tubig! Sumakit ang ulo ko dun ha, considering na may supervisor ka pa na wala din tigil kakabigay ng alcohol, eh good luck na lang talaga.)

Pero hindi natapos ang araw na yun dun, pagkahatid samen ni Sup naisipan pa namen nina Leo at Beth na tumambay somewhere, and we ended in a park in the middle of Makati na ang mga nakatambay eh mga anak ng executive na foreigners kaya para kaming nasa ibang bansa at akala pa ata ng guard eh mga kidnappers kami, sama ng tingin samen eh,.. Langyang yun ah! LOL :)) At pagsapit ng alas-tres ng umaga eh naisipan din namen umalis pero ang mga batang yun andun pa din, timezone differences.

-- Week Two --

Well, Thank God 100% passing kami sa QA, kaya ayun may lasagna from Boss B! Kaso ang problema dahil wala yung isa namen teammate at kaibigan ko pa naman eh no choice kami but to render OT and ang dami din absent. Sa totoo lang ok lang naman saken ang OT though generally eh hindi naman talaga ako OT person basta minsan lang, kaya natutuwa ako nung mega-apologize yung friend ko na "I shouldn't be rendering OT in lieu of him." well he wasn't just pertaining to me alone lang naman but for the whole team.

Come Friday, ewan kung anung meron at ang saya-saya ko,. "reminiscing the past" mode pa ako. Naalala ko kasi yung "first crush" ko,hehehe =D. I feel like I'm thirteen again.hihihi... Wondering though, asan na kaya siya ngayon?

However, all the good spirits have gone astray when i woke up early in the morning to find out na I didn't get my pay! Darn! Now emotions were running really, really high, I definitely don't deserve this! Siyempre what I felt that day is pretty much different than today. The storm has passed and I've calmed down humongously. I have to thank Teng and Leo for keeping me company that night. At niloko pa ako ni Leo na hindi naman daw ako mukhang depressed at walang pera. May ganun eh noh?! Ganyan talaga, you have to face life adversaries with "poise" and "grace". Kaya pala umiiyak ako sa Nanay ko nung tinawagan niya ako ha?hehehe =D I just find comfort kahit boses lang ng Nanay ko! Thanks Ma! "You're the best!"

Sadly, we didn't make it to the Philippine PyroMusical the following day, yun pa naman yung inaantay namen kasi Philippines vs Australia. Teng is running a fever, si Leo naman 7pm na, nasa Cavite pa. So I decided to just cancel it completely and indulge on dark chocolates na kakabigay lang ng friend ko. Hindi nga kami nagkita nina Leo pero kausap ko naman sa YM for almost 4hrs (hindi pa yan record-breaking dahil pag bestfriend ko kausap ko eh inaaabot kami minsan ng 7hrs). And we ended up with a "bet". Now, I'm learning to gamble: Usapan namen, BAWAL ako magmention ng anything pertaining sa pag-kakacrush ko ke "Mr. Darcy" (code ko yan dun sa cute na cute kong crush) for the whole week, it's actually one way of helping myself na rin to totally "get over" him, tutal super committed na si Mr. Darcy at feeling ko, kahit na alam naman niyang nag-eexist ako sa mundong ginagawalan niya eh hanggang dun na lang talaga (I'm hoping we'll be friends though, attainable but it might take a while). If I win, he'll treat me and if he does its vice-versa.

-- Week Three --

Well, call me whatever pero sa buong weekend ng March eh eto ang pinaka-favorite ko despite everything that happened a week before.

Literally, I was dragging myself to work. I feel so exhausted from the prior events. "Slacker" mode talaga ako kahit sa bahay. Buti na lang busy-busyhan etong lil sister ko sa papers niya since finals week na nila at hindi niya masyado pinapansin ang mood ko. Para kasing "sponge" yun, nahihigop ang aura ng paligid at nahahawa which will make the situation worst dahil matindi kung sumpungin ng "topak" yun considering na sa buwan pa ng mga "puso" pinanganak. So I just concentrated on our "bet" and luckily I won though I almost slipped on the first day of our challenge pa lang, buti na lang talaga matindi ang self-control ko kundi talo na sana kagad ako, I saw something kasi sa desk ni Mr. Darcy na medyo addiction ko ngayon, at muntik na talaga akong makapagsabi ng "OMG Leo, guess what...." oooppppssss, may pustahan nga pala kami! LOL :)) Buti na lang!


"What a blast!" That's the description for my weekend. I felt so dead tired but there are no regrets at all. First, ang plano lang naman talaga eh maghanap ng isang cozy spot sa Antipolo para mag-unwind and of course uminom. We ordered a Margarita Pizza and a Zombie Cocktail Tower (3000ml lang naman siya) sa Padi's Antipolo (overlooking the city lights) . I have to qoute my friend Leo sa chunk ng percentage ng nainom namen (Teng -- 70%; Me -- 25%; Leo -- 5%).

As the night progresses at medyo tipsy na ang isa sa amin, kasi parang siya lang ang halos umubos nung Zombie eh biglang nagkakayayaan na mag-Tagaytay. Kaya ayun minadali na namin ubusin ang cocktail and in the end, hilo akong pababa ng Antipolo (so dalawa na kaming tipsy ngayon--pero mas malala pa din siya). Unfortunately, we don't have wheels so commute lang kami going to Tagaytay. Grabe! Ang lamig sobra. We ended up having breakfast sa Leslie's (overlooking Mt. Taal). Gosh and oh my, ang sarap ng bulalo dun super uber sinful and we had a very nice view. Perfect na ang breakfast!

At three 3pm back to Manila na kami ni Teng, na parehong mukhang sabog! wahaha :))... Pagdating ko ng bahay, hot bath lang and headed back out kasi need to meet up with a friend, we heard mass at Nuestra SeƱora de Gracia (a church built in the 1500's). It was an awkward location for such a magnificent church pero naisip ko hindi naman kasi ganun dun nung unang panahon.

So now you know, why this week is my favorite week. I won a bet. Had a night out with "my boys" (that's how I call them now) overlooking the city lights, breakfast (still with "my boys") overlooking Mt. Taal, and mass with Jean in one of the country's colonial churches.

-- Last Week --

Dala na rin siguro ng walang matinong tulog dahil hindi naman ako natigil sa bahay kahit off ko, pansin niyo naman, lahat ng weekend nagagawan ng lakad kahit wala sa plano, originally nakaplano lang talaga dito eh yung Team Ben's Outing, pero dahil sa mga pangyayari naging sobrang exciting ng March ko.

Ayun! Tinamaan din ako ng sakit, bukod sa uso ang "flu" ngayon eh, kulang na kulang talaga ako sa pahinga. Sobrang napahinga ako sa "galaan" ng weekend na 'to! Asahan niyo pag gumaling ako ng tuluyan, another round of crazy ideas with these same people again, but we're all excited this April!!! All four of us (Me, Teng, Leo and Beth) are going to Anawangin (not my first time though pero we're camping out this time which I didn't experience the first I went there)!!!

That's what you call "taking life one day at a time". And that's why I called this month a "record-breaking" one, never ko pa kasing nagawa sa tanang buhay ko na umalis every weekend! This is actually the first time, I'm grateful that I've found the same old souls that are as venturesome as mine, na kahit tambay lang sa park eh masaya na kami (adventurous ba yun?), -- ah basta we tend to be reckless kasi di na kami nag-iisip ng kung anu-ano, pag naisipan namen pumunta sa kung saan at very feasible naman for all of us, GO kami! I'm grateful to have found souls that appreciate kahit sobrang simple lang naman ng mga trip ko sa buhay. Thanks guys for being taking part.

Friday, March 19, 2010

--Random Thinking--

"March". Hay naku, ewan ko ba kung anung meron ang buwan ng Marso at nakapadami naman atang nangyari at hindi nangyari. Well sa hindi nangyari eh so far wala akong masyadong masasabi except for those things that I actually planned and eventually didn't happen or is still about to ("sana"). Since I'm the type of person who takes whatever comes along and takes life one day at a time mukhang ang mga nangyari lang talaga ang makukwento ko.


Pero let's start off with what didn't happen though I am still keeping my fingers crossed that I will eventually accomplish it. I still have more than a week, but with the upcoming appointments in the next few days, sana mahabol ko pa talaga 'to. Well, maybe for some, this is of no relevance at all but for me it's quite a big deal. Kala niyo siguro kung ano pero honestly, I haven't finish a single book for this month yet. I promise myself na I need to finish at least one or two in a month, but with the pace I'm going, isang lang masasabi ko "Good Luck". And that's my only frustration, aside from the fact that I haven't met Mr. Right yet, gosh! I'm getting older by the day but that's a different story, baka naman kasi na-meet ko na siya pero bulag lang talaga ako. =)

Kung tutuusin naman kasi kaya ko naman tumapos ng libro kaya lang panay din kasi
OT netong mga nakaraang araw, tapos parang lagi lang ako sa harap ng computer eh, wala din naman akong nagagawa. Masisisi ko din ba ang "Plants vs Zombies" eh talaga namang addictive siya kaso minsan naisip ko, what did I gain from it? Backache, immediate pleasure everytime I beat those annoying zombies? Kaso addictive eh, parang French Vanilla Cappuccino lang yan ng 7Eleven.

I guess, I won't be posting the things that happened for this month muna, I'll just wait na lang for the last day of March and make another summary. And inaantok na din kasi ako, just got home from breakfast with my friend Jean, haaayyy, again anung meron ang
"March"? Ang dami ko kasing kaibigan na on "Quarter Life Crisis" mode. Isa pa yan! QLC.



Friday, March 12, 2010

What's the Synonym for Enraged?!

Annoyed,Crossed,Displeased,Enraged,Fuming,Furious,Hateful,Ill-tempered,Infuriated, Irate,Irritable,Irritated,Maddened,Outraged,Vexed.

Damn this crazy world! Bakit minsan pag minamalas ka talaga eh super BIG TIME!!! Ang saya ko pa naman sana bago umuwi from work and ang himbing pa ng tulog ko pag-uwi, tapos ang ganda ng bungad sa akin pagkagising ko, Wow as in wow talaga!!! Ang sarap magmura, pero parang ganun na rin dahil kahit hindi ako nagsasalita eh, sumisigaw pa rin ako sa isip ko at hindi maganda ang mga salitang nabibitawan ko. Ang pangit lang neto eh, sobrang nanginging ako sa inis, buti na lang at wala akong sakit sa puso kundi nasa ER na ako neto malamang. And talking about impulsive decision making, GUSTO KO NA MAGRESIGN!!! DAMN IT!!!

Tama ba namang di pumasok yung entire amount ng pay ko for this cut-off?! Enough said. Hindi rin naman maganda sasabihin ko eh! They better fix this! Damn I'm so pissed!!!

Monday, March 1, 2010

Summary

Honestly, i don't know how to describe February in one word so let me just summarize what happened for the whole month.

---

The month just started at lagasan na naman ang Batch namen. Circumstances happened and she has to leave. I miss her terribly. Anyways, our friendship doesn't end with her leaving work. We still have life outside of it and that's the beauty of friendship.

And speaking of getting more bad news aside from Cams leaving work, I got enrolled for PMP, whatever this acronym means I honestly don't have any idea (hahaha) and that means more QA recordings which will definitely make me feel uneasy until next month, having the knowledge that someone is listening to my calls "real time". May magagawa pa ba ako? Eh it's for my good din naman. Haaay life! Hope I'll survive this one. Better stop ranting and do something about it though I really can't help it sometimes. Been glad that there is someone kind enough to be my shock absorber and I apologize for considering him as such. Thanks to you though.=) From the bottom of my heart!

---

Finished two books: Dear John by Nicholas Sparks (and have seen the movie as well) and The Serpent Garden by Judith Merkle-Riley and now I badly needed a new one. Needs to go book-hunting again.

---

The whole world might be busy brewing ideas on what to do on Valentine's Day, yet my friends and I are lucky enough to go on a trip to the 15th Philippine Hot Air Balloon Festival which means schedule's cleared and honestly I really wanted to get out of the metro and escape from all the chaos. Nakakaumay kasi yung mga hearts na nakasabit sa kung san-san.hahaha =) Hindi ako bitter ha, nakakaumay lang talaga! =)

And it turned out to be one of the "unforgettable" trips I ever had my entire life I guess. Luckily, going their was no fret at all but heading back home was indescribable. Crazy but true pero sa hirap sumakay palabas ng Clark dahil punuan yung jeep going Main Gate eh naisip na namen ni Beth na sumabit at etong Teng at Leo ay game naman, so tawa na lang kami ng tawa, but of course hindi naman natuloy yun dahil bukod sa bawal eh gentleman naman po ang mga kaibigan nameng 'to kahit na minsan eh wala na kaming napag-uusapang matino kasi puro nga kalokohan ang pumapasok sa utak. At ang sumunod na kalbaryo eh sa DAU Terminal agawan naman ng bus. Pero luckily, we all got home safely, all covered with dust from Clark and super bangag na dahil wala pang mga tulog since from shift eh derecho na kami sa Festival. More than 24 hours lang naman kami gising bukod sa ang neg-neg nameng lahat at Good luck na lang saken dahil hindi naman ako maputi so you can just imagine kung anung klaseng neg-neg na ako ngayon. =D Good job guys!!! Next year ulit at sang festival naman tayo next?

At dahil sa sobrang pagod sa activity the previous day eh hindi na nagising ng maaga ang failed to went to Binondo for the Chinese New Year. Haaay, it would have compensated my New Year for this year since I was at work on New Year's Eve. Anyways, may next year pa naman.

---

Talking about one stop shopping? Well not literally going shopping but it's somehow similar to that, I've visited three of the Century old Churches in the metro in just one day! Thanks to my friend (Teng) at naisipan niya ulit na bumalik sa pagkuha ng images ng mga Century Old Churches, natupad ang isa sa mga wishes ko to hear mass at San Sebastian Church, funny though kasi when I first saw the church di na talaga ako natahimik, I was so shocked to discover na our country has a Gothic Architectural Church of its own. And thanks to Manong driver dahil kung hindi niya dinaan yung FX sa San Sebastian I never would have known about it and worth it ang pagsakit ng leeg ko sa kakalingon nun just to get the name of the church.

After hearing mass and Teng has taken his shots, we went to Manila Cathedral and San Agustin in Intramuros. Though it's both not our first time to visit these two churches, it's the first time naman na I'd seen Manila Cathedral na bukas yung lights sa labas. Kaya kitang-kita yung facade, and as usual amazed na naman ako. Though the sad part is that close ang San Agustin kaya we never get the chance to take pictures of the altar. I would definitely go back and take pictures of these churches myself. Ipon muna for a DSLR,hehehe

---

Road to Victory-- Verizon's breakfast treat. Masarap yung food. I cannot elaborate more dahil bukod sa hilong-hilo na ako going there eh, more on pictorial lang naman talaga ang nangyari.

---

I ended this month with lots of fireworks. Leo, Beth and I went the Musical Pyrolympics(France vs Japan)in MOA and ended up going home the following day, tumambay lang sa coffee shop after dinner at di na namen namalayan na March 1 na pala. At dahil sa tagal ng aming kwentuhan eh we ended up with a list for our next escapades. Masaya dahil we get to know each other more, sorted out our differences and similarities, known the issues about "life" and the "people" around us.hehehe =D

On February 28, 2010, I gained two more friends that will definitely be for keeps.

---

And lastly but definitely not the least, I have a new motivation now, saving up for a DSLR. Wish me luck on this dahil ang mahal ha. =D